Si SHARON CONCEPCION MASULA ay Professor I at Head Teacher ng Teacher Education Department ng Aklan State University-Ibajay Campus, Presidente ng ASUIFEA (asosasyon ng mga guro at empleyado), Sa kasalukuyan, nagsisilbi siya bilang Regional Director ng SAGIPWIKA sa Rehiyon VI, CBRC Lecturer/Reviewer, Ko-awtor ng mga aklat na Introduksiyon sa Pananaliksik sa Wika at Panitikan at Maikling Kuwento at Nobela, 2022. Nagtapos ng Doctor of Philosophy major in Filipino Literature sa Manuel L. Quezon Univesity, Diliman Quezon City, sa kasalukuyan ay nasa pahina na siya ng kaniyang disertasyon sa kaniyang pangalawang dokotrado, Doctor of Education Major in Filipino Language Teaching sa Filamer Christian University, Roxas City. Nagtapos siya ng Master of Arts in Filipino sa Capiz State University-Mambusao Campus, at ang kaniyang Bachelor of Science in Education Major in Communication of Arts in Filipino ay natapos niya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Intramuros, Manila. Siya ay Naging DEPED Language Reviewer for Grade 1 learning Materials Contextualized into Mother Tongue-Based Languages July 6-16, 2015, Cavite. Naging Translator, Senior Citizen Act 2010 KWF (Komisyon sa Wikang Filipino), Translator of APEC Primer Office of Malacanang, Awtor, AKLANON Kahalagahang Ispiritwal, Politikal, at Ekonomiya ng mga Obra maestra ni Melchor F. Cichon Para sa mga Milinyal, Ko-awtor/ Tagsalin ng aklat na Raya Rang Pasalig, Parayaw Mga Binaeaybay, 2018, TLB Erotika Mga Binalaybay Kag Sugilanon, Kontributor ng mga Dagli , sa Liwayway Magazine.