Isang munting bituin sa gitna ng dilim
Nagbigay liwanag sa mundong makulimlim
Pag-asa ay hatid na nagsisilbing-ningning
Sa sandaling ang pagsubok ay dumating.
Oh, kay gandang mga bituin sa langit
Kapag matanaw, tiyak na maaakit
Sa taglay nitong kinang na marikit
Dala’y liwanag na walang kapalit.
Mga problemang pighati ang dala sa’tin
Di alam kung ano nga ba ang gagawin
Ngunit ikaw ay nagsilbing-tanawin,
Na nagbigay saya, O, munting bituin.
Sa oras ng lungkot at pagdurusa,
Idilat ang ‘yong mga munting mata
Sa langit unti- unting tumingala
Masdan mo ang bituin ng pag-asa.
Hindi naging hadlang itong kadiliman
Upang ipakita, taglay na kagandahan,
Tulad ng bituin, pagsubok ‘wag iwasan
Bagkus, gawing inspirasyon at kalakasan.
Kumikislap na bituin sa kalangitan
Isang kayamanan ng ating kalawakan
Tulad mo rin na bulawan ng ating bayan
Isang bituin na dapat pahalagahan.