Patuloy pa rin niyang ginagawa ang iniuwing trabaho. Alas-onse na. Hindi pa rin siya naghahapunan. Kailangan niyang matapos para sa alas-otsong presentation niya kinabukasan.
Narinig niyang may nagbukas ng ilaw sa kusina. Nag-init ng tubig. Nagbukas ng kalan. Gumaan ang pakiramdam sa amoy ng nilulutong pagkain.
Kumain ka na ba? Pinagluto kita. Pinagtimpla na rin kita ng kape. Kaya mo yan ‘nak. Sabay yakap ng mahigpit.
Biglang tumunog ang cellphone. Nagising siya. Walang pagkain. Walang mainit na kape. Pero dama pa rin niya ang yakap ng yumaong ina.