Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Rhezzel Mae B. Tadia
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Sa bawat iglap ng buhay

May mga pangarap na nabubuo

At sa bawat pagyakap, ng pag-asa

May liwanag na sa mata ay sisibol.

At sa mga mata natin, may mga kislap na sumisilip

Ito’y simbolo ng ating pag-asa at tagumpay

Dahil sa mga mata natin, nakikita natin ang landas

Na ating tatahakin tungo sa ating hangarin.

May mga ganap na sang-ayon sa ating adhikain

At may mga hadlang na ating dadaigin

Ngunit sa bawat hakbang ng pag-asa

Ay may mga kislap na kasama nating sisikat.

Sa bawat pagkakataon na ating dinadaanan

Mayroong liwanag na sa atin ay sisilip

At sa pamamagitan ng ating mga mata

Ay makikita natin ang ating kinabukasan.

Kaya’t huwag nang mag-alinlangan pa

Pagdating sa mga pangarap at adhikain natin

Dahil sa ating mga mata, mayroong kislap na sisikat

Na sasalubungin ang bawat tagumpay natin.

Cite this chapter:

Tadia, R.M.B. (2024). Kisap mata. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top