Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Liwanag ng pasko

Ronica T. Magbiray
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Parang kailan lamang

Araw, buwan at taon ang lumipas

Sumapit na naman ang ber- months

Hudyat ng kasiyahan, pagkakaisa at pagmamahalan

Kay gandang pagmasdan

Ilaw sa bawat tahanan

Kulay asul, dilaw, pula at kung ano-ano pa

Parang tala sa madilim na kalangitan

Pasko’y paghariin ng may diwang tunay

Bigyan ng kulay ang bawat buhay

Katulad ni Hesus na nagmahal ng tunay

Salamat Hesus na Ikaw ay nakaagapay

Hesus na puno ng pusong makulay!

Ipasok sa puso ang diwa ng pasko

Alalahanin natin ang pagsilang ni Hesus

Pagsimba ay pagyamanin ng bawat isa

Ito’y nagdadala sa atin ng galak at saya

O, kay ganda ng pasko!

Cite this chapter:

Magbiray, R.T. (2024). Liwanag ng pasko. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top