Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Saranggola ni Pepe

Louie Jay Candelaria
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Alas-tres ng dapithapon

Sa dalampasigan ay nagtitipon-tipon.

Kasabay ng paghampas ng mga alon

Saranggola ni Pepe ay matayog ang lipad.

Tumaas nang tumaas ang lipad

Hanggang sa kalaunay napigtas.

Hindi na makita kung saan napadpad

Saranggolang sa tali ay nakatakas.

Hagulgol ni Pepe ang siyang maririnig

Patuloy ang pagtulo ng mga luha sa pisngi.

Pati sipon ay umaagos na tila ba ay talon

Pinupunasan gamit ang laylayan ng kaniyang damit.

Hindi nagtagal tumahan sa pag-iyak

Pangyayaring tinanggap na lamang.

Saranggolang nakatakas sa kadenang tali,

Ngayon ay malaya ng lumilipad.

Cite this chapter:

Candelaria, L.J. (2024). Saranggola ni Pepe. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top