Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Rodelyn P. Calizo
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Sa tukso’y nagpadala

Bugso ng puso ang inuna

Pamilya’y di ko man lang naalala

Dahil sa iyo minamahal kong sinta.

Ngunit, akoy nagkamali

Maling tao pala ang pinili

Binigay lahat pati ang puri

Subalit, ako lang pala’y masasaktan sa huli.

Pero alam mo sinta ko

Ako’y lubos na nagpapasalamat sa iyo

Sapagkat sa iyong paglisan

Magandang regalo ang iyong iniwan.

Isang anghel ang nabuo sa sinapupunan

Na siyang nagbigay ng pag asa’t katatagan

Upang lumaban sa dagok ng kahirapan

Na kailanma’y gusto ko ng wakasan.

Ako’y naging ama’t ina

Ng isang supling na napakaganda

Ito’y kailanma’y di ko ikakahiya

Na ako’y isang dalagang ina.

Kaya sa mga katulad ko

Ako’y saludong-saludo sa inyo

Sa inyong katapangang ipakita ang mundo

Sa mga munting anghel na siyang magbabago nito.

Cite this chapter:

Calizo, R.P. (2024).Ama't ina. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top