Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Mark Angelo Firme Abadilla
Chapter 1
ISBN:

978-621-96514-8-6

Katatapos lang niya magbigay ng paalala sa kanyang advisory ng biglang may nagchat sa kanyang estudyante.

Sir, wala pa po akong module. Sabi ng bata.

Bukas na. Papuntahin mo ang parent mo sa school. Sagot niya.

Sir, wala pa rin po akong worksheets.

Bukas nga. Papuntahin mo ang magulang mo sa school. Inis na reply niya sa bata.

Sir, bigyan nyo po ako bukas para hindi po ako mahuli sa pagsagot. Nabasa nya ang chat pero hindi na niya sinagot ang bata.

Kinabukasan nagpunta ang magulang sa paaralan. Mugto ang mata. Hindi niya alam kung sinisipon lang o katatapos lang umiyak.

Sir, magsasauli lang po ako ng libro ng anak ko.

Nanay, kayo po ba ang magulang ng batang nagchat sa akin kagabi? Tanong niya.

Pinakita niya ang conversation sa nanay. Bigla ulit itong humagulgol.

Sir, tatlong araw na pong patay ang anak ko. Na-hit and run po siya.

Hindi nakakibo ang guro. Patuloy pa rin ang hagulgol ng nanay.

Cite this chapter:

Abadilla, M.A.F. (2024). Module. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top