Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Mark Angelo Firme Abadilla
Chapter 1
ISBN:

978-621-96514-8-6

Magdamag niyang pinaglamayan ang report para sa kaniyang boss. Pinakiusap lang sa kaniya. Naipasa niya sa e-mail ng boss bago pa man ang meeting nito sa higher ups.

Walang tulog at masakit ang ulo niya pagpasok sa opisina.

Boss, kamusta po presentation? Tanong nya.

Salamat nga pala, iho. You saved my ass from that meeting. Pagmamalaki ng boss.

Boss, ano kasi eh. Baka po pwede makahingi ng pabor. Kasi ginawan ko naman po kayo ng presentation. Baka po pwede makapag-leave sa birthday ng anak ko sa Biyernes. Kahit half day lang ako, boss.

Iho, sa totoo lang ano. ‘Wag ka ng humingi ng kapalit. Diyos mismo ang magbibigay sa iyo n’yan.

Ilang segundo siyang di nakaimik

Ah, sige boss alis na ako. Salamat po ulit.

Pumuwesto ulit siya sa kanyang cubicle. Humingang malalim. Tiningnan ang larawan ng mag-ina. Iniisip kung anong oras na naman siya makakauwi.

Cite this chapter:

Abadilla, M.A.F. (2024). Empleyado. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top