Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Ronica T. Magbiray
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Malakas na simoy ng hangin

Ay umaagos at yumayakap sa akin

Ako‘y minsa’y nasa itaas

Minsan naman ay nasa ibaba

Pag-ihip ng hangin

Hawak sa pisi’y pagtibayin

Pisi’y minsan nalapi kung malagot ito

Ngunit mas lalo akong pinatatag nito

Humawak ng maigi, upang di mawari

Lumipad lang hanggang sa huli

Kahit malakas na hangin ang ating haharapin

Huwag bibitaw at ibalanse lamang

Pagtibayin ang sarili

Maniwala at kakayanin pang muli

Lipad…lipad …lipad

Lumipad hangga’t kaya

Lumipad ng buong sarili

Lumipad hanggang sa huli

Lipad at lipad lang ulit

Hanggang sa mapagod

Umupo muna at lipad ulit hangga’t kaya pa

Hanggang ang buhay ay lubos na nasulit

Katulad ng isang pangarap na kay tayog abutin

Kahit mahirap ay kakayanin pa rin

maabot lamang ang mga mithiin

Basta’t kasa-kasama ang buong pusong Pananampalataya

Hawakan ang pisi ng mahigpit

Lumipad at sabayan ang ihip ng hangin

Huwag matakot kung pisi’y malagot

Tumayo at lumipad ulit ng buong puso

Lipad…lipad…lipad

Lumipad ka lng hangga’t kaya pa

Huwag mawalan ng pagasa

Sapagkat ang buhay natin ay parang saranggola

Cite this chapter:

Magbiray, R.T. (2024). Lipad. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top