Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Panginoon, Ikaw lamang

Regine Joy B. Servañez
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Lahat ng bagay iyong nilikha

Ikaw ang may gawa na nakakamangha

Buhay mo ay inalay dahil sa aming gawa

Sadyang Ikaw ay nakapakadakila

Sa mundong puno ng kasalanan

Ngunit kami’y iyong hinagkan

Magkulang man kami, ngunit Ikaw ay nariyan

Nariyan upang kami’y gabayan

Marinig lamang ang iyong ngalan, kay sarap pakinggan

Sapagkat ito’y dalisay, na puno ng pag-ibig

Dakila ka aking Panginoon

Wala nang makakapantay sa iyong tunay na pag-ibig

Kayaman namin ang mapabilang sa iyong ngalan

Kayamanan na kailan ma’y hindi mananakaw

Tunay nga ang iyong biyaya ay siksik, liglig at umaapaw

Kasaganahan mo ay laging nag-uumapaw

Cite this chapter:

Servañez, R.J.B. (2024). Panginoon, Ikaw lamang. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top