Kalayaan, sigaw ng ating mga ninuno!
Nagpanukala ng reporma, ngunit dumanak ng dugo
Pagbabago’y mistulang binura
Pinasan ang sakit, hirap, at pagdurusa
Mamamayang Pilipino walang sapat na lakas
Mistulang walang pag-asa na muling makaalpas
Kailan pa kaya itong mga banyaga’y mapapalayas?
Mananatili na lang ba sa rehas o kailangan na gamitan ng dahas?
Inang bayan, kailan ka kaya makakalaya?
Inang bayan, ano kaya ang aming magagawa?
Mga katagang namumutawi sa kanilang mga dila
Ngunit hindi alam kung papaano matutulungan ang sariling bansa
Mga taong may pagmamahal sa bayan
Binuwis ang buhay para sa kasarinlan
Hindi inisip ang kanilang sariling kapakanan
Bagkus pinahalagahan ang kinabukasan ng kanilang sariling bayan
Aming mga bayani, salamat sa inyo
Kami ay hindi na magdurusa sa Polo Y Servicio
Ginamit ninyo ang inyong lakas at talino
Salamat mga matatapang na Pilipino!