At ngayong ika’y lumisan,
na sa aking piling,
aking giliw
Paano dadamhin ang init
ng yakap mo?
Paano malalasap ulit ang
mga halik at lambing?
Sa ‘king puso’y lungkot
ang dumaloy,
Ang aking diwa’y sumisigaw
na ibalik—
Ang iyong ngiti, ang iyong
pagmamahal.
Bulaklak at kandila, tanging
iaalay,
Sa puntod, kung saan ka nakahimlay,
Sa bawat patak ng ulan—
isisigaw ang iyong pangalan.
Mahal kita, pero paalam na…