Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Ang buhay ay parang gulong

Niño Makiling
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Wika, ito´y ating sinasalita

Wika, gamit sa pakikipagkapuwa

Wika, nagpapayaman sa ating kultura´t bansa

Halina´t gamitin ang sarili nating wika

Wika, biyaya sa atin ng Panginoon

Wika, midyum sa komunikasyon

Wika, para sa makabagong panahon

Halina´t gamitin ang wika sa lahat ng pagkakataon

Wika, ito´y ating kailangan

Wika, nagpapayabong sa ating kaisipan

Wika, ito´y makabuluhan at makahulugan

Wika, nagpapalaganap ng kaalaman

Wika, ating pahalagahan

Wika, mabisang kasangkapan

Wika, gamit sa pakikipagtalastasan

Wika, ito´y ating kapangyarihan

Wika, kailangan ko, kailangan mo

Wika, para sa makabagong mundo

Wika, tungo sa pagbabago

Wika, tungo sa pag- asenso

Cite this chapter:

Makiling, N. (2024). Wika, pagbabago, asenso. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top