Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Ang wika tungo sa pagbabago at asenso

Maricris Guevarra
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Sa paggawa ko ng tula.

Ako ay gumagamit ng mga salita.

Salita! Salitang saan nga ba nagmula?

Kundi sa ating nag-iisa at kinagisnang wika.

Ako, ikaw, lahat tayong nakatira sa mundo.

May kaniya-kaniyang wikang ginagamit sa pagmamando.

Maging sa pakikipagkapuwa-tao at pakikipagkilala,

Wika’y nagsisilbing transporstasyon ng ating pangangailangan.

Mahalin ang sariling wika.

Mahalin ang sariling bansa.

Ngunit paano mapapalaganap ang sariling wika.

Kung mayroong “Oppa, Viola, Ni hao” at iba pang isinasawika?

Hindi masama kung ang nais ay matuto ng wikang banyaga.

Hindi masama kung may ibang lenggwahe kang isinasawika.

Ngunit ang tanong… Sa sariling wika,

Ikaw ba’y may kinaadman kung gaano ito kahalaga?

Wika’y laging pahalagahan at…

Laging tandaan!

Hindi tayo maniniyot na sa isang pitik,

Kinaadman sa wika’y maisasatitik.

Ating wika’y aasenso,

Kung ito ay ating panatilihing buhay sa alinmang aspeto.

Dapat nga ba tayong magtala ng pagkakawing-kawing na proseso?

Upang sa gayon wika’y hindi mapulyado?

Sa pag-inog ng mundo.

Makabagong mga salita’y naiimbento.

Ngunit laging tandaan!

Sariling agham ay pagkaingatan sapagkat ito’y nagsisilbing pagkakakilanlan ng sambayanan.

Cite this chapter:

Guevarra, M. (2024). Ang wika tungo sa pagbabago at asenso. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top