Alas onse na. Wala pa ring dyip na dumaraan pauwi sa maliit na bayan sa may paanan ng bundok.
Toy, san ka? Tara sabay ka na. Pagarahe na rin ako.
Sakto, pauwi na rin ang drayber. Hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok.
Tagapagligtas kita manong. Kala ko uumagahin na ako sa terminal. Pasalamat niya kay manong.
Gagarahe na ako eh. Sayang din kung walang maiuuwi. Pagod na rin sa byahe. Sagot niya sa binata.
Makwento ang drayber habang nabyahe kaya’t nawala ang pagod mula trabaho.
Pagkalampas ng tulay ay puno ng tao. Rescue team. Pulis. Ambulansya.
May aksidente na naman. Mukhang patay yata yung drayber, ‘nong. Sambit sa drayber.
Oo nga. Malimit talaga ang aksidente dito sa tulay na to lalo na’t maulan. Pero sabi nila may nagpapakita raw dito na white lady.
Naku, di naman ako naniniwala sa mga multo-multo na yan, manong.
Malay po. Sagot ng manong. AXV 248. Tinandaan niya ang plaka habang nalampas sa tulay.
Makalipas pa ang ilang minuto narating nila ang bayan. Tahimik. Mahamog. Tanda ng katatapos lang na pag-ulan.
Dito na lang ako sa tabi, manong. Sabay abot ng bayad.
Ngiti lang ang huling nakita nya kay manong pagkatapos bumaba.
Pagtawid sa kabilang kanto, sinipat nya ang dyip ni manong. AXV 248. Tiningnan ang relo. Alas dose na.