Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon?
Kailangan ba talaga natin ng propesyon?
Ano ba talaga ang dapat nating ituon?
Edukasyon o harapin nalang muna ang mundong mapanghamon?
Kahirapan! Oo, kahirapan ang siyang dahilan
Kahirapan ang nagpapadusa sa bawat kabataan
Sino nga ba ang siyang dahilan?
Magulang ba o ang pamahalaan?
Nakasaad sa Artikulo 14 Seksyon 1 ng konstitusyon ng Pilipinas na dapat,
Ang pamahalaan ay magkaroon ng pantay na edukasyon para sa lahat
Ngunit ang katanungan, daan nga ba ito upang tayo’y makaalpas?
O mananatili nalang tayo sa magulong rehas?
Oo, edukasyon ang magiging rason
Edukasyon upang makamit ang minimithing propesyon
Edukasyon upang tayo’y makabangon
Edukasyon para sa mundong magulo’t mapanghamon
Edukasyon para sa lahat ng kabataan
Edukasyon laban sa kahirapan
Edukasyon para sa magandang kinabukasan
Edukasyon ito’y siyang ating kapangyarihan
Ikaw, ako lahat tayo
labanan natin ang magulong mundo
Gamitin ang talino’t talento
Edukasyon, ipaglaban mo!