Sa tahanang madilim,
May isang ilaw na nagniningning.
Para siyang bituin sa langit,
Nagbibigay liwanag sa aking paningin.
Mula pagkabata ako’y binantayan,
Ginabayan, at inalalayan.
Siya ay tinaguriang ilaw ng tahanan,
Inalagaan at minahal ako ng lubusan.
Bawat paghihirap ay kaniyang buhat-buhat.
Todo asikaso ‘pag ako’y may lagnat.
Hindi alintana ang dala kong bigat.
Sa pagmamahal ay hindi ako sinalat.
Sa umaga’y ako’y kaniyang gigisingin
Paghahandaan at papakainin.
Kahit sa trabaho’y ako’y iisipin,
Kaligtasan ko ang tanging dalangin.
Walang katumbas na salita,
Ang pagmamahal niya at pagkadakila,
Ngunit pasasalamat, ina
Sa iyong pagkalinga.