Pinagpuyatan kagabi ang love letter.
Handa ng ibigay ang sulat na punong-puno ng pagmamahal.
Naligo. Nagsipilyo. Nagbihis. Nagpabango.
Dumiretso sa klasrum dala ang tapang ng apog.
Hawak ang love letter na pinagpuyatan kahapon.
Tinanong kung nasaan na siya.
Nag-transfer na. Sagot ng isa.
Itinago na lang sa bag ang dalang sulat.
Kasama ang nararamdaman sa dalaga.