Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Pangarap ay puhunan

Jaya Fe Santillan
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Sa bawat pahina, landasin ay bumukas,

Bawat hakbang, pumapalapit ay landas.

Kaalaman ay kayamanan, walang katumbas

Sa pagkatuto ay walang wakas.

Sa aklat at kuwento, buhay ay umusbong,

Sa labas ng silid, dunong ay nagniningning.

Sa paglalakbay ng edukasyon at buhay,

Kabatiran at karunungan palaging sasabay.

Bawat patak ng pawis sa gabi’t umaga,

Edukasyon ay pangarap, sa hirap nagmumula.

Sa pagsusulit at hamon, mundo’y naglalakbay,

Mga pangarap at lihim, sa pag-aaral ay binuhay.

Liwanag ng kaalaman, pusong nagbibigay-tapang,

Sa pusong puno ng tuon tagumpay ay darating.

Sa landas ng karunungan, pagsubok ay mahirap,

Kinabukasan ay sisiklab sa bawat pagsisikap.

Cite this chapter:

Santillan, J.F. (2024). Pangarap ay puhunan. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top