Sa laksa-laksang bandos; makabuntala,
Dahilan ang mapaniil na habyog; tuluyang lumantad.
Subalit dagitab sa pagbabago’y mistualng sumagadsad.
Inakay, itinayo’t nagkubli sa kapiraso ng batidwad.
‘Di hagway; itinatangis!
Walang lakas sa pagkampay
Bagwis na kalbaryo lamang ang nakaratay,
Dawit ang sakit at kritisismong tinutungayaw.
Agapayang-salikop na hinubog ng agbarog at anluwage,
Sa sandaling ito’y hindi na mababawi,
Kukulayan ang dating masalimuot na mga pangyayari,
Lalantad na ganito ako, kulay bahaghari.