“Hi ma’am! Ang ganda mo talaga ma’am.”
Naranasan mo na bang nabighani sa isang guro?
Pasukan na ng mga nagsusunog ng kilay na mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan. Ang hinihintay na pag-asa ng bayan. Pag-asa ba talaga? O pabigat ng bayan?
Guro: Magandang umaga sa lahat! Maligayang pagbabalik sa eskwela.
Mga Estudyante: Ikinagagalak ka naming makita aming guro.
Lunes pa lang may isang mag-aaral na lumiban sa klase.
Martes, may isa na namang lumiban na estudyante.
Miyerkules, nabalam ang klase dahil may malakas na bagyo.
Huwebes, walang pasok dahil may pagpupulong ang mga guro.
Biyernes, napansin ng guro na iisang estudyante lang ang hindi na pumapasok.
Guro: Ahhhh si Vincent!
Kaya dali-dali niyang pinuntahan kung saan nakatira si Vincent. Pagdating niya sa bahay, mag-isa lang si Vincent. Wala itong kasama kasi sa Canada nagtatrabaho ang kanyang mga magulang. Binigyan niya ng payo si Vincent, kinausap na magsumikap dahil nagpapakahirap ang kaniyang mga magulang sa ibang bansa upang siya ay maitaguyod, mapag-aral, at mailagay sa prestihiyosong paaralan.
Naging matalik na magkaibigan sina Vincent at ma’am. Sabay silang kumakain tuwing tanghali. Minsan, ililibre pa niya ito. Sa oras na matapos ang klase ay lalapit si Vincent sa guro na maaliwalas ang mukha, kukunin ang mga gamit nito, at ihahatid siya kung saan pupunta sa kasunod na klase o klasrum. Sa madaling salita, naging inspirasyon niya ang kaniyang guro.
Sa nagdaang panahon, hindi naiwasan ni Vincent na nagbago na pala ang kanyang pagtingin sa guro. Gusto man niyang sabihin pero mahina ang kanyang loob. Gusto na niya itong makasama palagi sa lahat ng oras.
Estudyante: Bahala na si Batman!
Kaklase: May relasyon ba kayo ni ma’am? Jowa mo si ma’am noh? Hindi naman halata. Hahaha
Sa paaralan, maraming uri na mga tao ang naroon. May mga makakati ang dila, makitid ang isip, at matalas ang mata. Humahantong sa kaututang dila ng matalik na guro at estudyante.
Guro: Hindi na tayo pwede magsama tuwing kakain Vincent. Bawal ka na ring panay ang buntot sa akin, lalong-lalo na sa paghahatid ng mga gamit ko sa aking mga klase.
Estudyante: Nauunawaan kita ma’am. Magpapaalam na rin ako, kasi pupunta na rin ako sa Canada, doon ko na tatapusin ang aking pag-aaral. Maraming salamat sa lahat ma’am. Mag-ingat ka palagi. Hinding-hindi kita makakalimutan.
Samakatuwid, may mga mag-aaral at guro na kasal na talaga sa totoong buhay, nauwi sa pagmamahalan. Sabi nga nila “Kapag mahal mo ipaglaban mo, hahamakin din ang lahat makapiling ka lamang.”
Mayroon talagang ganitong mga pangyayari, na nagmamahalan ang guro at estudyante. Pero ang guro pinakasalan nila ang kanilang trabaho, ang pagiging ikalawang magulang. Minsan, iisipin mo na ikaw ay lubhang nahihirapan sa ganitong sitwasyon. Kung ang iyong kalaban ay ang iyong sarili. Iyong hindi mo na alam, kung ano na ang nangyari sa sarili mo, nasa tamang landas ka ba? Kung ang kasama mob a ay mga wastong tao? Ito ba talaga ang gusto mo? Para saan o kanino ka lumalaban?
Kung ikaw ang tatanungin, sila ba ang itinuturing na pag-asa ng bayan? O dagdag problema lamang sa ating lipunan? Ikaw bilang mambabasa, ano ang opinyon mo sa pakikitungo ng guro at estudyante sa paaralan?