Pagod, Puyat, Pagtitiis
Gagawin ang lahat, para sa kinabukasan
Gagawin, ang makayang gawin, para makuha ang inaasam
Aalagaan, iingatan mga araling natutuhan
Edukasyon ang susi sa lahat na nangangarap
‘Wag mawalan ng pag asa
Ipagpatuloy ang sinimulan
Pagod, puyat ay huwag intindihin
Abutin man ng magdamag, aralin ay tapusin
Sa kinaumagahan ito’y bibigkasin
Sari-saring aralin salamat sa lahat
Kaming mag-aaral ay maraming natutuhan
Makatao, Maka-Diyos, Makabansa, Makakalikasan
Ugaliin sa araw-araw, isa puso’t isipan
Para bigay aral sa kapwa mag-aaral
Mag-aral ng mabuti, ‘wag tatamarin
At makapagtapos ng madalian
Para kinabukasan ay ating makamtan
Sa pamilya’y tutulong at sila’y aasa
Ganun sa iba, kapuwa tao’y mapasaya
Habang buhay ay may pag-asa, tiwala sa mahal nating Bathala
Ama, kami ay gabayan sa mga pangarap na inaasam
Salamat sa ’yo, sa biyayang bigay
Sa araw-araw kami’y nagpapasalamat
Kalakasan namin sa ‘yo nagmumula.