Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Barkadang wagas

Mariel G. Tayco
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Sa ating unang pagkakakilanlan

Hindi ko man kayo kilala ng lubusan

Upang kayo’y maging kaibigan

Ang lahat ng iyon ay hindi ko pinagsisihan

Sa pang araw-araw na ganap na tawanan

Lalong lumalalim ang ating pagsasamahan

Nakilala ng lubusan sa maraming araw na nagdaan

Simula dito nabuo ang BARKADANG WAGAS

Tila hindi kukupas ang pagsasamahan

Walang sawang tawanan sa hirap na pinagdadaanan

Ganitong samahan parang wagas na pagkakaibigan

Hindi ko malilimutan ang ganitong karanasan

Sana lumipas man ang maraming panahon

Ang ating pagsasamahan ay naging inspirasyon

Nawa ang ating samahan na ibinaon

Sana mananatili itong alaalang iginuhit at inipon

Cite this chapter:

Tayco, M.G. (2024). Barkadang wagas. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top