Pagod na pagod na pagod na ako!
Mga katagang hindi ko gustong marinig ng bawat tao sa paligid ko.
Musmos pa lang ako, punong-puno na ng pangarap at magagandang hinaharap ang aking pag-iisip. Tanging lampara lang ang kasama ko sa pagsusunog ng kilay sa probinsya ng Cebu. Dapat ganito ako paglaki, dapat marami akong pera. May sasakyan, may matatayog na bahay, at may malawak na bakuran. Hanggang lumaki na lang ay wala pa ni isa ang natupad.
Ang hirap kasi lumaki sa lipunan kung isa kang anak-dalita at butas ang bulsa. Hirap na hirap kang abutin ang mga bituin. May mararanasan kang panlalait, pangungutya, at hindi makatarungang pagtrato sa kapwa mo tao.
Ang hirap din kung ang kalaban mo ay ang sarili mong pamilya. Nangangarap kang magkaroon ng magandang kinabukasan para sa kanila ngunit hindi sila sang-ayon sa iyong plano o kursong kukunin. Hindi nila nakikita ang pagiging matagumpay sa larangan ng buhay at hindi sila saludo sa iyong mga matatamo sa buhay.
Kahirapan ding isipin kung ang iyong kalaban ay ang iyong sarili. Nagdesisyon ako na magsumikap sa buhay. Hindi pwede hanggang dito lang ako. Nagsialisan na ang nakapagtapos ng pag-aaral- aalis ako at makikipagsapalaran sa Amerika. Maganda ang buhay roon, aahon na ako sa kahirapan.
Sa wakas, katulad ng isang lampara na nakapagbibigay liwanag sa kapaligiran at madilim nilang buhay ay makapagbibigay ako ng kaunting pag-asa at inspirasyon na magpatuloy sa buhay.
Sinabi ko sa simula ng akdang ito, ang mga katagang hindi ko gusto marinig ng bawat tao sa paligid ko dahil may mga taong pagod na pagod na at gustong sumuko. Tandaan lang natin, may lubos na naghihirap kaysa sa ating kinakaharap na problema. Gusto kong ipaabot sa inyo, huwag mapagod sa iyong mga gusto sa buhay. Tulad ng lampara, sindihan mo muli kung ito’y namatay. Siguradong babalik ang liwanag.
Hindi naman talaga karera ang bawat buhay natin. Hindi rin kailangang baguhin ang iyong sarili ayon sa pamantayan ng mga tao o ng lipunan. Ang mahalaga ay masaya ka at gusto mo ang ginagawa mo sa buhay.
It’s not that easy.
Iyang lakas ng loob na nasa iyong puso. Iyang kaluluwa na nagpapatibay at nagpapalakas sa iyo. Iyong nadapa ka at muling bumangon upang magpatuloy.
May dahilan ka pa bang mapagod?
Follow and go for your dreams! Be a blessing to everyone.
Ayon sa ‘The Millennial Breadwinners’ Journey, we are blessed to be a blessing. If you can bless someone through your life today, who would that be?