Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Malayo pa, pero malayo na

Lieza M. Suriaga
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

O, kay bilis naman lumipas ang panahon

Gigising ng alas kwatro para pumasok sa school

Tinapay at kape ang naging almusal

Sa agahan para makapunta lang ng eskwelahan

Sa pagpasok mo pa lang sa pintuan

Makikita mo agad ang mga upuan

Na siyang magiging sandalan mo hanggang matapos ang pasukan

Papel, bolpen na siyang iyong magiging armas patungo sa kaunlaran

Mga magulang, pamilya na handa kang suportahan

Sa anong mang laban di ka iiwan

Ang mga pangarap mong iyong matatagumpayan

Sa tulong ng ating Poong Maykapal

Na laging nandiyan para gabayan ka sa iyong laban

Kailangan kong pagsumikapan

Upang ang pangarap ko ay makamtan

Mahirap man ang aking pinagdaan

Pero patuloy pa rin akong lumalaban

Dahil ang edukasyon ang susi para makaahon sa kahirapan

Sa pagtatapos ng semestreng ito

Marami pa ang aking tatahakin sa labang ito

Marami pa ang nakapilang balakid sa buhay ko

Sa pagkamit ng pangarap ko

Ika nga nila walang madaling daan

Kailangan mo itong pagdaanan

Aking pagsusumikapan

Upang sa mga magulang maipakitang karangalan

Nang kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng aking kailangan

Aking pang pagbubutihan ang aking pag aaràl

MALAYO PA, PERO MALAYO NA.

Cite this chapter:

Suriaga, L.M. (2024). Malayo pa, pero malayo na. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top