Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Paunang Salita

Dr. Sharon Concepcion Masula & Dr. Helen Esguerra-Tolete (editors)
ISBN:

978-621-96514-8-6

“Matud nila ako dili angay

Nga magmanggad sa imong gugma,”

 Ang linya sa awiting ito ay nagmumula sa dibdib ng mga manunulat na kagaya mo!

“Pag-ibig ang dahilan ng panulat kaya itong aklat ay iyong hawak-hawak”.

Ang aklat na ito ay kakikitaan ng mga ‘manggad’ o ‘kayamanan’ na nagmumula sa isipan at malikhaing guniguni ng mga manunulat na nagkasama-sama upang makabuo ng akda na gugulatin ang sinoman.

Ang mga maikling kuwento, tula, dagli, at iba pang akdang pampanitikan na mababasa rito ay kapupulutan ng leksiyong magbubunga ng tagumpay sa bawat hangarin ng sambayanang Pilipino.

Ang mga akdang ito ay mananatili sa puso, sa isip at magsisilbing gabay sa pamumuhay ng bawat mag-aaral. Magiging huwaran ang mga linya, mga taludtod at usapan sa pang-araw-araw na gawain ng komunidad.

Mangyaring may hatid na kalungkutan, pighati, kasakiman subalit sa kahapunan ay mayroong mangingibabaw na kaligayahan, tagumpay at kaluwalhatian kasama ang pamilya, mga anak at mahal sa buhay.

Ito ay posible sapagkat ang manggad mo ay manggad ko!

Ito ay posible sapagkat ang Wika mo ay Wika ko!

Ito ay mananatili sapagkat ang ‘gugma’ mo sa akdang pampanitkan ay panghabambuhay… hindi maglalaho…hindi mangyayaring ‘dili angay’, kundi magiging manggaranon sa isip, sa salita, sa gawa, at sa kapangyarihan ng PAG-IBIG ang panitikan ay magpapatuloy…magiging angay!

Ang aklat pong ito ay isang manipestasyon-

Ng pag-ibig

Ng Milagro

Ng manggad

Ng iyong mundo

habambuhay!

Cite this chapter:

Masula, S.C. & Tolete, H.E. (2024). Mga piling akdang pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top