Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Watak-watak na pamilya

Jayvee G. Ordaniel
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Pamilya na puno ng pagmamahal sa bawat isa

Noon masaya, ngunit bakit ngayon ay watak-watak na

Nasaan na ang pangako niyo na binuo sa isa’t isa

Bakit biglang nawala ang lahat ng bagay na masasaya.

Ang buhay ko ngayon ay parang wala ng liwanag,

Tila nakabalot sa dilim na sobrang nakakapagpabagabag,

Kagimbal-gimbal ang lahat ng mga nangyayari,

Walang pagkakaunawaan! Gusto ko ng mag rebelde.

Lagi nalang may nag-aalitan,

Para bang hindi pamilya ang turingan,

Nasaan na ang mga pangakong kayo’y magmamahalan,

Kung bumitaw ang isa sa aking magulang.

Pagod na silang umunawa at magpasensya,

Tanging naririnig ko ang hagulgol ng aking ina

Nasasaktan, napapagod at nakokonsensya,

Ngunit hangad ko pa rin ay buo at masayang pamilya.

Ang mga nangyari ay makabagbag damdamin,

Nakakalungkot, O, kay hirap isipin,

Nakakadurog ng puso ang kami’y lisanin,

Ngunit pagiging parte ng pamilya, sila’y tanggap pa rin.

Sa paghihingi ng tawad ay nagtataingang kawali,

Bakit ba hindi na lang ayusin ang mga pagkakamali

Ang magkaayos ba ay hindi na maaari?

Gusto ko ng buklod na pamilyang nagkamaunawaan palagi.

Kibit balikat ko nalang ang mga problema,

Kasi kahit ano pa ang gawin ko’y wala akong magagawa,

Magpapakumbaba na lang ako at umunawa,

Sana’y aking maranasan ang pamilyang puno ng galak at tuwa.

Cite this chapter:

Ordaniel, J.G. (2024). Watak-watak na pamilya. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top