Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Ang limang letra

April Joy C. Francisco
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

L- Letra, dito ko nais iparating

Ang aking hinanaing

Tanging kinakapita’y dalangin

Mundo’y tila galit sa akin

E-Enerhiya’y pababang bumubulusok

Mabatid na may humihila sa isang sulok

Inaakalang tapos na ang pagsubok

Tila simulain palang ng dagok

T-Tapos na ba? O ako ang tatapusin mong tuluyan

Gusto ko na lamang humimlay sa duyan

‘Wag nang gumising nang lubusan

Tila nakakapagod lumaban

R-Retasong dahilan upang magpatuloy

Sana panaho’y umayon sa daloy

Dinggin itong aking panaghoy

Kapayapaan sa kaisipan naman ang isaboy

A-Aanhin ko itong pagbabago

Kay tagal kong lilinangin itong aking pagkatao

Kung dahilan ng pagbagsak ay ‘yong komento

Magpapatuloy pa ba ako?

Cite this chapter:

Francisco, A.J.C. (2024). Ang limang letra. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top