Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Ang panitikan

Angelyn Tamayo
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Pamana ng nakaraan

Magsisilbing kayamanan

Hatid mong kaalaman sa aki’y nagpapagaan.

Nabubuhay sa pamamagitan ng mga letra.

Nagsimula sa isang blankong pahina

Ideya o guniguning nabubuo sa bukana

Ang kamay na hawak ang isang pluma

Sa makata’y mapupuno ng kaniyang porma.

Mababakas ang nakaraan

Mula sa mananakop hanggang sa kasalukuyan

Kaaya-aya at masalimuot ang nagdaan

Di napapantayang panama na siyang dapat pasalamatan.

Panitikan na siyang repleksyon ng pinagmulan

Makikita ang ating pagkakakinlanlan

Iba’t-ibang diwa mula sa obra maestra

na dapat pagtuonan, at sa buha’y maging sentro.

Cite this chapter:

Tamayo, A. (2024). Ang panitikan. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top