Isa ang kahirapan sa isyu ng lipunan,
Kahirapan na kumikitil sa mga pangarap ng kabataan.
Kung ang edukasyon ang nagsisilbing susi,
Kahirapan ang kandado upang hindi makamit ang minimithi.
Ika nga, “Mahirap maging mahirap!”
Upang maisalba ang pag-aaral at maabot ang pangarap.
Kaya kumakayod at libo-libong pawis ang pumapatak,
Imbis na papel at lapis ang hawak naging martilyo at itak.
Habang natututong magbasa. magsulat at bumilang.
Hindi nawawala sa isipan,
Na baka bukas makalawa sa klase ay lumiban.
Dahil hirap matustusan ang pangangailangan sa eskwelahan.
Dahil hirap sa buhay at gipit na gipit.
Mga kabataan sa patalim na kumakapit
Sa mga anak walang mapakain. Araw-araw nganga.
Mga kabataang maagang nabubuntis at nag-aasawa,
Kahirapan nga ba ang kumikitil sa pag-asa ng bayan?
Di ba dahil ito sa gobyernong korap at walang trabahong magulang?
Ngunit tila hindi kahirapan ang hadlang.
Para sa hamon ng buhay ay patuloy na lumaban.
Magpursigi at magsumikap,
Para sa mga pangarap!
Sa tulong ng Diyos at ang Kaniyang gabay,
Sa huli giginhawa rin at makakamtam ang tagumpay.