Hangad kong makapagtapos,
Subalit kami ay kapos,
Simula noong ako’y musmos,
Pagtatrabaho ay lubos.
Tila mundo’y laging pasan,
Bigat ang nararamdaman,
Dahilan ay kahirapan,
Nais kong masolusyunan.
Tila mundo’y may balakid,
Problema’y nakapaligid,
Solusyon sana’y mabatid,
Na kasiyahan ang hatid.
Ang lahat ay hahamakin,
Pag-aaral ay tapusin,
Pangarap ay aabutin,
Biyaya ay tamasahin.