Institute of Industry and Academic Research Incorporated
Register in

We support knowledge society through open access books.

Regine Joy B. Servañez
Chapter 2
ISBN:

978-621-96514-8-6

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan

Kung paano ko bigkasin ang iyong ngalan

Pangalan na kay sarap pakinggan

Na kahit sino walang makakapantay.

Tunay ngang kay sarap umiyak sa’yo

Pagmamahal mo’y tunay

Ni hindi nagkukulang;

Tapat na walang pagpapanggap.

Kahit na ako’y nagkulang

Ako’y iyong tinanggap ng walang pag-aalinlangan

Kay sarap pakinggan;

Na ako’y iyong mahal.

Ang tunay na pag-asa

Sa kaniya ko lang matatamasa

Hindi sa taong paasa

Lalo na sa taong iiwan ka lang mag-isa.

Ikaw, subukan mong umiyak sa kaniya

Hindi sa taong walang kwenta

Na puro sakit ang pinapadama

Sapagkat kailanman hindi siya manghuhusga.

Masarap umibig

Lalo na tunay ang pag-ibig

Kung gusto mo ng pagmamahal

Lumapit ka sa Poong Maykapal.

Salamat sa ating Diyos

Sa mga biyayang hindi nauubos

Salamat sa inyong mga salita

Na sa amin dala’y katotohanan at hiwaga.

Cite this chapter:

Servañez, R.J.B. (2024). Pagmamahal. In: S.C. Masula & H.E. Tolete. Mga Piling Akdang Pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005

Other chapters

Scroll to Top