Sisimulan ko ang aking tula sa isang katagang,
“Walang mahirap sa taong may pangarap”
Bawat tao ay may pangarap
Magandang buhay sa hinaharap ang siyang hinahangad
Ibayong hirap at pagsisikap lamang ang kailangan
Upang pangarap ay malalasap.
Ngunit ang mundo ay tila madaya
Nais ko lamang mangarap
Ngunit bakit parang may bumabalakid
Sa nais marating sa buhay.
Isa ako sa mga taong may pangarap
Ngunit paano aabutin,
kung ang paghihirap ay hadlang sa lahat,
Pinipilit kumawala sa rehas ng kahirapan
Ngunit paano magagawa
kung ang mundo ay hindi sumang-ayon.
Ilang beses na ring napagod sa buhay
Ngunit aking ipinaglalaban at hindi sumusuko
Marami mang luha ang nasayang
Nagsisilbi itong inspirasyon sa akin.
Sapagkat ako’y naniniwala na,
Walang mahirap sa taong may pangarap
Lahat gagawin upang makamit ang tagumpay
Tagumpay na siyang inaasam-asam sa hinaharap.
Bawat nilalang ay may munting pangarap
Sa buhay na ating hinaharap
Hindi hadlang ang pasakit at hirap
Sa taong nangangagarap.