Ako’y namulat sa mundo ng kahirapan
Kahirapan na siyang nagpapahirap sa aking pangarap
Iniisip kung paano nga ba malalagpasan
Ang buhay na walang kahahantungan
Mahirap isipin na ako’y mahirap
Pero ito ang buhay na aking kinagisnan.
Ako’y nagkaedad at namulat sa tunay na buhay
Na kailangan maging masipag at matiyaga sa buhay
Walang imposible na makamit ang pangarap
Sa isang binata na hangad ang magandang buhay
Ako’y nangarap na hindi para sa aking sarili
Ako’y nangarap pati na rin sa aking pamilya.
Pamilya ko ang naging motibasyon ko sa aking paglalakbay
Nagpapalakas ng loob na makakaya ko ang hamon ng buhay
Naniniwala na maabot ko ang aking pangarap
Dahil ako’y laki sa hirap na puno ng pangarap.