Ang aklat na ito ay kakikitaan ng mga ‘manggad’ o ‘kayamanan’ na nagmumula sa isipan at malikhaing guniguni ng mga manunulat na nagkasama-sama upang makabuo ng akda na gugulatin ang sinoman. Ang mga maikling kuwento, tula, dagli, at iba pang akdang pampanitikan na mababasa rito ay kapupulutan ng leksiyong magbubunga ng tagumpay sa bawat hangarin ng sambayanang Pilipino. Ang mga akdang ito ay mananatili sa puso, sa isip at magsisilbing gabay sa pamumuhay ng bawat mag-aaral. Magiging huwaran ang mga linya, mga taludtod at usapan sa pang-araw-araw na gawain ng komunidad.
Cite this book:
Masula, S.C. & Tolete, H.E. (2024). Mga piling akdang pampanitikan. Institute of Industry and Academic Research Incorporated. https://doi.org/10.53378/02.24.005
License:
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 4.0 International License.